Adventures and Stuff from David

Tuesday, September 16, 2008

Mas Masarap pag pinaghirapan

Medyo me kababuyan to.

Alam nyo yung feeling na gutom na gutom ka na tapos me mga biscuit naman at tinapay sa bahay pero iintayin mo pa rin ang nilulutong ulam na paborito mo para mas feel mo ang sarap ng pagkain? Or lalo na ang mga mountaineers, kahit pagod napagod na sila , tyatyagain nila dahil alam nila, kasama ng pagod, lalong magiging mas maganda ang view sa ibabaw ng bundok.

Ganyan ang iniisip ko nung nasa galleria ako ng isang beses. Medyo naeebs ako pero code green pa lang.. hindi pa code red.. kaya pa, tapos habang nasa galleria ako nakita ko me binebenta na cushioned toilet seat, naisip ko ,syet ang sosyal nya. Bumili ako ng kulay blue para panglalaki. Bitbit bitbit ko sya pabalik sa kotse at excited na excited ako lalo na't code green. pagdating sa bahay... nakupo asa gate pa alng code yellow na! sabi ko relax stay calm . Marahan kong nilabas ang bagong toilet seat ,inalis ko muna ang existing na nakalagay at dahan dahan ko ng kinabit ang bago. Habang iniinstall ko ang bago, ayan na..code RED na.. taas balahibo na..sabi ko be calm.. ilang ikot na alng na screw at nakakabit na. Ayan na its time for the inaugural! pagupo ko, haay ang lambot at tapos ilang segundo lang...


0 Comments:

Post a Comment

<< Home