Having a bad day - CONTEST
First let me get to my bad day ,then the contest.
Have you ever had a bad day or bad days happen every now and then. It kinda creeps up on you then BAM! Its Bad day time. My friend , Neil , once told me that Bad days either happen on just one days or in threes, so if crap happens the 2nd day just be ready for the 3rd.
Today seems like one of those and I hope it just a single one. I didnt stay up late last night, got home around 12, watch dvd , set the alarm then slept as opposed to other days where I would be partying late into the night. This morning I woke up at 845 totally missing my 8-9am class, turns out I set the alarm at 7 but forgot to switch it on.. strike 1. Then I rushed to the 2nd class, and screwed the formatting of a harddisk I was teaching, turns out I was using a too new harddisk with a too old operating system.. and the hits keep coming. On the way to the mall while waiting for the traffic light to turn green, I missed on the clutch and had the engine died on me, this asshole on a KIA freakin PICANTO just honked and honked at me, I wouldnt be pissed normally if it was rush hour but it was on a saturday so I customarily Flipped him a nice old Fuck you hand signal in the car and from the window. He even had the nerve to try to speed up, I wanted to toast him as my car was hell faster than his, but I was on my way to the mall so I couldnt do it, I had to turn to the parking area pretty quick. On the mall , parking was pretty easy, so I went into a parking slot going headfirst and wanting to emerge at the next slot in front so my car would be facing outward.. suprise there was a car backing up exactly where I wanted to go, he had right of way so I just backed up. Went to a local DVD store and it was still closed, I went to a cellphone repair shop to pickup my aunts phone, the technician wasnt there. I went to my favorite resto where they have kickass Tapsilog...CLOSED on weekends, went to another goot Tapsilog place, got my order pretty quick but forgot to order drinks, took another 10minutes for drinks. Then a bunch of students suddenly went in the place and where reaallly noisy. Went back to the DVD place, finally opened.. ok things are looking up there and got a good deal on the stuff I returned , plus I saw Maritoni Fernandez who is a regular at the same DVD shop. Went back home and wanted to watch Tokyo Drift.. suprise!! It wont work on my machine... So I just ended up doing my other chore which was to sweep the house.. suprise!!! The construction guys who worked on the house used the dust pan outside and left it there..it was wet with rocks... Then my friend Lea texted me..looking for a gimik..so I said OK , dont have anyhting to do might as well.. did this long argument with here for here to meet me in makati..which I lost . From the parking lot, I forgot my cellphone in the car so I had to go back to the car .
I am at the office now to finish up some documents I didnt do last week, then Lea sent me a message cancelling our gimik how crappy is that... And Im feeling a bit chilly, Im hoping its not a fever. As of this writing ,the day is not yet over and the sun is just about to set. I hope the sun takes all the badluck with it ... Im definitely hoping. I've had worst days so the best I could do is to just laugh this one off and be very careful.
So..I Decided.. I would have a mini contest, The reader who could comment the worst bad day experience will win a Coffee treat from me at Gloria Jeans The fort :) Tsaka half na cheescake slice..kasi yung kalahti sa kin hehehe.
If this post doesnt save or I Suddenly lose net connection... I wouldnt be at all suprised.
Have you ever had a bad day or bad days happen every now and then. It kinda creeps up on you then BAM! Its Bad day time. My friend , Neil , once told me that Bad days either happen on just one days or in threes, so if crap happens the 2nd day just be ready for the 3rd.
Today seems like one of those and I hope it just a single one. I didnt stay up late last night, got home around 12, watch dvd , set the alarm then slept as opposed to other days where I would be partying late into the night. This morning I woke up at 845 totally missing my 8-9am class, turns out I set the alarm at 7 but forgot to switch it on.. strike 1. Then I rushed to the 2nd class, and screwed the formatting of a harddisk I was teaching, turns out I was using a too new harddisk with a too old operating system.. and the hits keep coming. On the way to the mall while waiting for the traffic light to turn green, I missed on the clutch and had the engine died on me, this asshole on a KIA freakin PICANTO just honked and honked at me, I wouldnt be pissed normally if it was rush hour but it was on a saturday so I customarily Flipped him a nice old Fuck you hand signal in the car and from the window. He even had the nerve to try to speed up, I wanted to toast him as my car was hell faster than his, but I was on my way to the mall so I couldnt do it, I had to turn to the parking area pretty quick. On the mall , parking was pretty easy, so I went into a parking slot going headfirst and wanting to emerge at the next slot in front so my car would be facing outward.. suprise there was a car backing up exactly where I wanted to go, he had right of way so I just backed up. Went to a local DVD store and it was still closed, I went to a cellphone repair shop to pickup my aunts phone, the technician wasnt there. I went to my favorite resto where they have kickass Tapsilog...CLOSED on weekends, went to another goot Tapsilog place, got my order pretty quick but forgot to order drinks, took another 10minutes for drinks. Then a bunch of students suddenly went in the place and where reaallly noisy. Went back to the DVD place, finally opened.. ok things are looking up there and got a good deal on the stuff I returned , plus I saw Maritoni Fernandez who is a regular at the same DVD shop. Went back home and wanted to watch Tokyo Drift.. suprise!! It wont work on my machine... So I just ended up doing my other chore which was to sweep the house.. suprise!!! The construction guys who worked on the house used the dust pan outside and left it there..it was wet with rocks... Then my friend Lea texted me..looking for a gimik..so I said OK , dont have anyhting to do might as well.. did this long argument with here for here to meet me in makati..which I lost . From the parking lot, I forgot my cellphone in the car so I had to go back to the car .
I am at the office now to finish up some documents I didnt do last week, then Lea sent me a message cancelling our gimik how crappy is that... And Im feeling a bit chilly, Im hoping its not a fever. As of this writing ,the day is not yet over and the sun is just about to set. I hope the sun takes all the badluck with it ... Im definitely hoping. I've had worst days so the best I could do is to just laugh this one off and be very careful.
So..I Decided.. I would have a mini contest, The reader who could comment the worst bad day experience will win a Coffee treat from me at Gloria Jeans The fort :) Tsaka half na cheescake slice..kasi yung kalahti sa kin hehehe.
If this post doesnt save or I Suddenly lose net connection... I wouldnt be at all suprised.
6 Comments:
ano na nga pala name ng car mo? saka sino nanalo? hehe!
By Anonymous, at 2:14 PM
oo nga naman, dapat announce muna ng winner ng prev games, fake ata mga pakulo mo....sumbong ka namin sa DTI. hahahahaha
By Anonymous, at 12:13 AM
Dahil hanggang ngayon eh walang talagang name na nag talagang sticks... As of Now eh AIA for Aia De Leon of Imago ang name ng kotse ko. Winner si Qtdenise. Oy Joane winner ka!
By Davidmakulit, at 2:40 PM
How about me Dabid? Anyway , you need JANE CHUA there to give you luck...hehehe! OMG!! so boring here in BKK..cheers! See you soon Dabid and plz don't forget to bring along your friends, i owe you once, remember..see ya soon in Pinas! Ingatz!
Jane Chua
www.livebandsphp.biz
By Anonymous, at 8:13 PM
bad day pala ha, teka...
Setyembre abeynti-otso, huwebes, mga alas sais ng umaga...
Nagising ako sa lakas ng ulan. Binuksan ko ang telebisyon at nanood kung anong meron at bakit ganun na lang ang buhos ng ulan. Nalaman ko nga na parating na ang napakalakas na bagyong si Milenyo. Inanunsyo na walang pasok ang lahat ng antas ng paaralan gayun din ang mga nanunungkulan sa gobyerno. Ala una pa naman ang pasok ko kaya di ako nabahala.
Bandang alas-diyes ng umaga...
Tila lumalakas ang ihip ng hangin, kasama nito ang malakas na unos ng ulan. Kasabay nito ang pagkawala ng kuryente. Bumaba ako upang mag-ipon ng tubig at tignan ang mga pinto at bintana sa pagbabakasakaling ito'y pinapasukan ng tubig ulan. Tama ang aking hinala. Ang ihip ng hangin ay nagmumula sa likod ng bahay kaya ang pinasukan ay ang pintuan ng kusina at ang bintana sa may hagdanan. Dali-dali akong kumuha ng mga basahan na pwedeng ipasak sa ilalim ng pintuan. Sa may bintana naman ay wala akong nagawa kundi ang punasan na lang ang umaagos na ngayong tubig sa hagdanan. Pabalik-balik akong nagpupunas ng tubig ulan sa pinto at sa may bintana. Pinipiga ko ang tubig sa KFC tumbler na sabi mo ay itapon ko na pero itinago ko pa rin. (sabi ko sayo may silbi un e) Paminsan-minsan ay naakyat din para tignan kung napapasukan ng tubig ang bintana sa aking silid at dun sa may bodega. Awa ng diyos ay sa baba lang ang napapasukan. Tumagal ito ng isa hanggang dalawang oras. Nakapuno siguro ako ng apat na tumbler kakapiga ng tubig ulan.
Bandang ala-una ng hapon...
Huminto na ang malakas na hangin at ulan. Unti-unti nang naglalabasan ang mga kapit-bahay para maglinis ng kanilang tapat. Nagkkwentuhan tungkol sa kanikanilang karanasan sa dumaang bagyo. Yun iba tulad ko ay pinasukan din ng tubig ulan sa lakas ng ampiyas. Ang iba naman ay nawalan ng yero at nabasagan ng bintana. Ako rin ay lumabas upang magwalis ng kalat na dala ng bagyo. Dahon, sanga, yero, plastic at trapal. Yan ang ilan sa mga nagkalat sa loob at labas ng bakod ng bahay. Matapos ang pagwawalis ay nakaramdam na ko ng pagod at gutom. Nagluto ako ng 'fried rice'. Sinangan na may sahog na gulay at century tuna.
Bandang alas-tres ng hapon...
Habang ako'y kumakain ng aking pananghalian, naramdaman kong bumubuhos na naman ang ulan at muling lumalakas ang ihip ng hangin. Mukang may round two! Daglian kong tinapos ang aking 'fried rice' at tinignan muli ang mga pinto at bintana. Sa pagkakataon ngayon ay sa harap naman ng bahay nagmumula ang malakas na ihip ng hangin. Mabuti at maganda ang pagkakagawa ng bintana sa sala kaya di ito pinapasukan. Ang pinto naman ay hindi rin pinapasukan dahil siguro sa nagawa kong bubong ni Boom na kahit papaano ay humaharang ng tubig ulan. Umakyat ako para tignan ang bintana sa kabilang silid. Kagulat gulat na kahit lahat nung pahabang bintana ay bukas, di pa rin sya pinapasukan ng tubig! Pinuntahan ko ang aking silid. Pagpasok ko palang nakaramdam na ako ng tubig sa aking paanan. Pinasok na nga ang aking silid. Dali-dali akong bumaba upang kumuha ng basahan at ung KFC tumbler. Mabilis ang pasok ng tubig. Maya't-maya'y piga at kapag napuno ay baba para itapon sa inidoro.
Bandang alas-kwatro imedya ng hapon...
Unti-unti nang humina ang hangin at ulan. Sinilip ko ang paligid ng bahay. Napansin kong tila nawala ang dalawang maliit na puno sa aking maliit na garden. Lumabas ako at nakita kong nakatumba ito. Halos mabunot ang buong ugat nila sa pagkakatanim. Umakyat ako sa bodega at kumuha ng alambre para itali ang mga puno sa gate. Halos nagkasugat sugat ang kamay ko sa matatalim na sanga ng puno pero ayos lang basta mailigtas ko sila. Lumabas din ako ng bahay para muling magwalis. Pero dahil naubos na siguro lahat ng dahon at sanga nung unang bugso ng bagyo ay wala ng masyadong kalat sa labas.
Bandang alas-singko kinse ng hapon...
Tuluyan ng tumila ang ulan. May naririnig akong naghihiyawan sa mga kapit bahay. Sumilip ako sa likod at nagulat sa aking nakita. Ang bukirin na mula pa nung umaga kong pinagmamasdan ay tila naging lawa bigla. Napansin ko ring naglalabasan ang mga ipis sa drainage dun sa may washing machine, isang hudyat na napupuno na ng tubig ang kanal. Sumilip din ako sa tapat. Unti-unti ng umaakyat ang tubig sa kalsada. Daglian kong iniakyat si Boom sa terrace. Pumasok ako ng bahay at sinalpakan ng mga basahan ang pinto sa harap at sa kusina sa pagbabakasakaling mapigilan ang pagpasok ng tubig sa loob ng bahay. Maya-maya ay may narinig akong bumubulwak na tubig sa kubeta. Sinilip ko at ayun na nga. Bumubulwak ang tubig sa drainage ng shower area. Maya-maya pa ay pati ang drainage sa tapat ng inidoro ay nilabasan na rin ng tubig. Naisipan kong di ko na malalabananan ang pag-akyat ng tubig. Sinimulan ko na ang pag-aakyat ng mga gamit. Inuna kong inakyat ang mga gamit sa kusina. Ung reserba kong tubig, lalagyan ng bigas, ng pagkain ni Boom at basurahan. Sinunod kong ipinatong ang mga kalan sa lamesa sa kusina gayun din ang lalagyan ng gulay ng ref sa pagbabakasakaling pasukin din ito ng tubig. Ung lalagyan naman ng baso at plato ay ipinatong ko sa tabi ng lababo, gayun din ang lalagyan ng mga kutsara't tinidor. Matapos sa kusina ay sinunod ko naman ang pag-akyat ng dalawang side tables at center table ng sala set. Iniakyat ko lahat ng sapatos at tsinelas mula dun sa lalagyan sa ilalim ng hagdanan, basurahan mula sa kubeta at lalagyan ng maruruming damit. Iniakyat ko rin ang mga upuan ng dining table. Sa mga oras na un ay hanggang sakong na ang taas ng tubig sa loob ng bahay. Marahil ay hanggang tuhod na sa labas. Iniakyat ko rin ang mga foam ng sala set. Naisip ko ring mag-akyat ng 3 matataas na baso ng tubig at ang natira kong fried rice para aking kainin sa gabi. Ang naipong tubig ko kanina ay iniakyat ko din sa hagdanan, gayun din ang sabon at shampoo. Ibinuhol ko din ang mga kurtina para di maabot ng baha.
Bandang menus kinsu minutos para alas-sais ng hapon...
Kumakagat na ang dilim. Pinapasok na ng baha ang mababang bintana sa sala gayun din ang pinto. Lumagpas na ang taas ng tubig sa unang baitang ng hagdanan. Narinig kong medyo tumaob ang ref. Sinilip ko at nakita ngang nakatagilid na ito. Muli akong bumaba sa baha at iniharang ang lamesa para di tuluyang tumumba ang ref. Naisipan ko ring patayin lahat ng switch sa circuit breaker. Pagod na pagod akong umupo sa hagdanan habang pinagmamasdan ang rumaragasang tubig sa pinto at bintana. Napansin ko ring pinasok na rin ng baha ang aking sasakyan. Maya-maya pa ay naligo na ako dun sa hagdanan. Gamit ang isang timbang tubig na ipon, naglinis ako ng maputik kong katawan.
Bandang alas sais imedya ng gabi...
Matapos kong maligo ay nagpahinga ako sa bay window sa aking silid. Dinig ko pa rin ang mga kapit bahay na naghihiyawan na karamihan ay mga bata. Mabuti na lang at wala akong kasamang bata sa bahay. Mabuti na lang at malamig ang simoy ng hangin. Hindi alintana ang pagkawala ng kuryente. Ung energizer na flash light naman ang naging silbi kong ilaw, gamit ang mga rechargeable kong baterya. Naisipan kong tumawag sa bahay pero napuputol ito kapag sinasagot na nila. Tinext ko rin lahat sila pero ni isa walang sumagot. Nalaman ko na lang kinabukasan na wala pala lahat silang signal. Tinext ko rin ang aking asawa para ipaalam ang mga pangyayari. Mabuti na lang ako e kahit papaano may 1 bar. Maya-maya pa ay tumawag sila mama gamit ang kanilang landline kaya lang napuputol. Naka tatlong tawag sila bago kami malinaw na nakapag-usap. Nailathala ko ang malungkot kong karanasan at pagkatapos ay sinabi nilang pupuntahan nila ako kinabukasan. Tumawag din ang aking asawa. Malungkot ko ring ikinwento ang mga pangyayari.
Bandang alas otso ng gabi...
Huminto na ang pag-akyat ng tubig. Umabot ito sa halos pangalawang baitang ng hagdanan sa loob ng bahay. Sa pagod, lungkot at pag-iisip ng mga bagay-bagay di na ko dinatnan ng gutom. Naramdaman ko ang kalungkutan ng nag-iisa. Gusto kong maiyak, pero kailangan kong maging matatag. Nakakapanghina ang halos maghapon kong pinaggagawa sa bahay. Humiga ako para matulog. Malamok! Naisip kong meron nga pala kaming off-lotion na ginamit namin ng aking kabiyak nung kami'y nagbakasyon sa Club Paradise sa Palawan. Muli akong nalungkot. Pinipilit na ibalik ang masayang nakaraan kasama ang pinakamamahal sa buhay. Pinilit kong matulog iniisip na ang lahat ng pangyayari ay isa lamang masamang panaginip...
Setyembre abeynti-nwebe, byernes, alas-sais ng umaga...
Nadidinig ko ng nagkkwentuhan at nagwawalis sa labas ang mga kapitbahay. Bumaba ako para silipin ang sala at kusina. Wala ng tubig ngunit ang kapal ng iniwang putik sa aking sahig. Umihi ako at muling umakyat at nagimpake ng damit. Balak ko ng sumama kila Ma papuntang Pacita kung sakaling mapaandar ang sasakyan mamamaya. Tapos nun ay muli akong nahiga at natulog.
Bandang alas-nwebe ng umaga...
Nagsimula akong mag-ayos ng mga iniakayat kong gamit sa taas. Bara-bara ko lang kasing iniakyat sila kahapon. Inayos ko din ang mga lata ng pintura na ngayon ay nagkalat na sa labahan. Nung ako ay palabas na para itapon ang mga lata ay may narinig akon pamilyar na boses. 'Tito Armil, andito na kami.' Ang aking pamangkin na si RA. Halos maluha ako sa tuwa sa narinig kong iyon. Maya-maya pa'y sumunod na dumating si Ma na may bitbit na basket na may laman na pagkain at dad na may bitbit na timba at brush. Malayo ang kanilang naparadahan dahil ang haba ng pila ng mga tao sa kapitbahay natin sa tapat na may poso. Ang unang nasambit ni RA pagpasok sa bahay ay 'Kawawa naman si Tito Armil, mommylo.' Agad na pumila si Dad bitbit ang dala nilang timba at ang dalawa kong timba. Kami naman ni Ma ay sinimulan na ang pagtatanggal ng makapal na putik sa loob ng bahay. Si RA ay tumutulong din sa paglilinis ng bahay, tagabuhos ng tubig habang ako'y nagwawalis.
Bandang alas-onse ng umaga...
Doon pa lang ako nakaramdam ng gutom. Nagutom na rin si Ma kaya kami ay huminto muna sa paglilinis at kumain ng tanghalian. Binigyan ko din si Boom ng raw food na ngayon ay malambot na dahil nga sa patay na ref. Si Dad ay muling nakapila sa poso. Ang makulit ko namang pamangkin ay bising bisi sa panghuhuli ng nagkalat na suso sa kalsada. Ang mga suso ay marahil naanod ng baha mula sa bukid sa likod ng bahay. Tinawag sya ni Ma para kumain, na maya-maya ay pumasok din. Napansin kong wala na ang mga suso na kanina'y hawak hawak niya. Tinanong ko sya kung nasaan na mga suso. Tinignan lang ako, di sumagot. Pagkatapos kong kumain sakto namang pagbalik ni dad bitbit ang nasaling tubig mula sa poso sa tapat. Ako naman ang pumila habang sya ay kumakain ng pananghalian. Sa mga oras na yun ay walang masyadong nakapila kaya mabilis akong pabalik balik sa pila.
Bandang ala-una ng hapon...
Umalis na sila Ma dahil meron daw silang kailangan habulin sa bangko. Hindi ko na naisipang sumama sa kanila dahil marami pang dapat linisin sa bahay. Medyo natanggal na ang karamihan ng putik sa kusina at sala. Buti na lang at sa tapat lang ang igiban ng tubig. Kaya habang nakapila ang aking mga timba ay patuloy akong naglilinis ng bahay na maya't-maya'y sumisilip baka ako na ang mag-iigib.
Bandang alas-kwatro ng hapon...
Huling pila na raw ng mga mag-iigib sabi ng may-ari ng poso. Kasi naman daw e hanggang ngayon e wala pa daw silang ipon. E baka masira na ung poso e wala pa silang tubig. Meron kasing mga tao na di marunong gumamit ng poso na halos masira na sa pagbobomba nila. Sa mga oras na un e ung kubeta na lang ang di ko nalilinis. Pag-uwi ko bitbit ang huling igib na timba ay panandalian akong nagpahinga at nagmeryenda ng iniwang tinapay nila Ma.
Bandang alas-singko ng hapon...
Natapos ko ring linisin ang kubeta. Sinimulan ko ng imop ang sahig. Pagkatapos ay naghugas ng mga pinggan. At saka naligo. Bago ako umakyat ng hagdanan ay muli kong pinagmasdan ang loob ng bahay. Haayyy salamat. ANG LINIS!
Bandang alas-syete ng gabi...
Muli, pinilit kong matulog. Naisip ko na meron pa pala akong problema. Si Cleo, ang aking sasakyan. Sa sobrang bisi ko sa paglilinis ng bahay ay di ko man lang nabisita at aking oto.
Bandang alas-dyes ng gabi...
Ako'y nagising marahil dahil sa ako'y naiihi. Bumaba ako bitbit ang flash light at umihi sa ngayong malinis ko ng kubeta. Umakya't ako at muling pinilit matulog. Pagkalipas ng dalawang minuto ay narinig kong naghiyawan at nagpalakpakan ang ilan sa aking mga kapitbahay. Bigla ring nagkailaw ang poste sa tabi ng aking bahay. May kuryente na! Dali dali akong bumaba para buhayin ang switch ng circuit breaker. Binuhay ko lang ang linya ng kuryente sa taas ng bahay. Titignan pa kasi kinabukasan ni dad ang lahat ng linya ng kuryente sa baba. Binuhay ko ang aircon. May kakaibang tunog kaya akin itong daliang pinatay at nag bentilador na lang muna. Merong kuryente walang cable. Naisipan ko tuloy manood ng 'HOUSE'. Gusto ko kasing makalimutan ang lahat ng mga pangyayari sa mga nakaraang araw. Naka dalawang episode ata ako bago ko naisipang matulog...
Setyembre atrenta, sabado, alas-syete imedya ng umaga...
Muli kong naririnig ang mga kapitbahay na nagkkwentuhan at naglilinis ng kani kanilang tapat. Narinig ko ring parang may pinupukpok na bakal at naisip kong baka buksan ang fire hydrant sa gilid ng bahay para maubos ang maduming tubig ng tangke at mapalitang ng malinis. Maya-maya pa ay narinig ko na ang malakas na agos ng tubig mula sa fire hydrant. Dali-dali akong nagpalit ng damit at lumabas para maki agaw sa tubig. Dahil dito ay nalinis ko ang pwesto ni Boom. Sa tulong ng mga kapitbahay na tagabuhos ng tubig habang ako ang taga walis ng putik, ay nalinis ko rin ang tagilirang bahagi ng garahe. Salamat at uso pa rin pala ang bayanihan. Alam kasi nila na mag-isa lang ako sa bahay e.
Bandang alas-nwebe ng umaga...
Dumating sila ma, dad, wala si RA. Kasama nila si Jun na isang mekaniko at ang batang anak nitong si Be. Nabigyan ako ng pag-asa. Pag-asa na makakauwi ng Pacita pagdating ng hapon. Sinimulang kalikutin ni Jun si Cleo. Si dad naman ay sinimulang kumpunihin ang ref. Ako naman ay pumunta ng palengke upang mamili ng memeryendahin nila. Nakabili ako ng Hopia at Tinapay mula sa Julie's.
Bandang alas-dose ng tanghali...
Natapos ng linisin ni dad ang ref, pinatutuyo na nya ang makina nito gamit ang isang lampara. Si Jun naman ay natapos na ring tignan kung anu-ano ang dapat palitan sa makina. Habang nakain ng pananghalian ay naikwento ni Ma ang kalokohan ng pamangkin kong si RA. Kahapon pag uwi nila ay pilit na pinapalitan ni Ma ng damit si RA dahil nga maputik na ito at sila ay pupunta pa sa bangko. Napalitan ni Ma ang t-shirt ni RA pero pilit na itinatanggi niya na magpapalit ng shorts. Pagdating nila sa bahay e diretsong nagpunta ng kwarto si RA. At maya-maya pa ay nakita ni Ma na unti-unting dinudukot ang mga nahuling suso sa bulsa at inilalagay sa kanyang aquarium. Ibinulsa pala lahat kaya pala di ako sinagot kung nasaan na ung mga nahuli nyang suso. At madami daw! Sa bilang ni Ma ay nasa lagpas trenta daw ito. LUKONG BATA!
Bandang ala-una ng hapon...
Sinamahan ako ni Jun para mamili ng mga piyesa sa sasakyan. Pinakamahal ang baterya na inabot ng Php2,900! Pabalik kami ng mapansin naming nawalan ng kuryente. Walang pump, walang gasolina! Ng makabalik kami ng bahay ay inabutan kong kinukumpuni ni dad ang mga saksakang ng kuryente sa baba na pinasukan ng baha at putik nung nakaraang araw. Ikinabit ni Jun ang mga bagong piyesa at sinubukang ipaistart ang sasakyan. Walang himala! Wala daw kasing gasolina. Haayyyy kapag minamalas nga naman.
Bandang alas-tres imedya ng hapon...
Sumuko na si Jun at sinabing gasolina na lang talaga ang kulang at aandar na ang sasakyan. Si dad naman ay sinubukan ng isaksak ang ref. Himala! Ang ref ay gumagana! Lumalamig ang freezer gayun din ang babang parte ng ref. Nagmeryenda kami ng spagheting niluto ni Ma mula sa natitirang giniling na baka ko mula sa ref. Pagkatapos nun ay muli silang umuwing hindi ako kasama.
Bandang alas syete ng gabi...
Nakapaligo na ko at nakakain na ng hapunan. Muli akong nanood ng ilan pang episode ng HOUSE at saka nagpasyang matulog.
Oktubre uno, bandang alas dyes ng umaga...
Dumating sila Ma, dad, RA, Jun at Be. Bitbit nila ang gasolinang nagbigay sa kin ng pag-asang makaalis ng bahay. Sinimulan na agad ni Jun ang muling pagkumpuni ng sasakyan. Si dad naman ay sinimulang kumpunihin ang washing machine. Ako naman ay kumain ng dalang pagkain ni Ma. Habang kumakain ay tumawag ang aking biyenan at nangumusta. Nailathala ko sa kanya ang aking sinapit. Naikwento din niya ang sinapit ng bahay ng kanyang pamangkin na si Rommel. Mabuti na lang at wala sila sa bahay nila sa Biñan ng umabot hanggang leeg ang taas ng baha. Halos maiyak daw ang ina nitong si Mamang ng malamang lumutang lang ang bagong biling washing machine.
Bandang ala una ng hapon...
Pagkatapos naming mananghalian, muli nabigo ang aking pag-asang makauwi ng Pacita. Karburador naman daw ang problema sabi ni Jun. At dahil hindi nya ito spesyalisasyon e wala na syang magagawa. Ngunit meron daw syang kakilalang makakapag-ayos nito. Kakausapin pa daw niya ito mamayang hapon para maisama bukas dito sa bahay. Isinakay ko na sa CRV ni dad ang aking mga inimpakeng damit pambahay at pang-opisina.
Bandang alas-dos ng hapon...
Pagkaalis nila, sandali akong pumunta ng tindahan upang bumili ng detergent soap. Pag-uwi ay sinubukan kong gamitin ang washing machine na kaninang kinumpuni ni dad. Inilagay ko ang maduduming damit sa loob nito at inistart. TIK, TIK, TIK, TIK... yan ang aking narinig habang patuloy na dumadaloy ang tubig sa loob ng tub. Hindi napupuno ng tubig ang tub. Marahil ay ung tumutunog ay ung nagkokontrol ng tubig para magstay at magdrain sa tub. Pinatay ko ang washing machine at nagpasyang labhan na lang sa kamay ang mga damit. Akin munang binabad ang mga puting damit sa batya. Habang nakababad ang mga damit ay nagpasya akong higupin ang mga tubig sa loob ni Cleo at linisin na rin ang labas nito.
Bandang alas-kwatro imedya ng hapon...
Natapos ko ng linisin ang labas ni Cleo at nalabhan at nabanlawan ko na rin ang mga damit. Namroblema ako ngayon ng sasampayan ng basang damit. Dahil nga nasa terrace si Boom ay hindi ako pwedeng magsampay dun. Naisip ko ngayong gamitin lang ang spinner ng washing machine. Muli, TIK, TIK, TIK, TIK... habang nagsspin. Pagkalipas ng dalawang minuto nawala ang tunog! Naayos na kaya o natuluyan ng nasira ang washing machine? Pagkatapos nyang magspin ay kinuha ko na ang mga damit sa tub at sinampay sa sala. Sinubukan ko muling maglaba. HIMALA! Naiipon na ang tubig sa tub! Hindi ko lang natest kung kusa pa rin itong magddrain kapag nakaprograma na maglaba mag-isa.
Bandang alas-syete ng gabi...
Meron ng cable kaya marami na kong pwedeng panoorin. Nagplot ako ng mga gastusin ko habang nanunood. Halos apat na libo na ang nagagastos ko sa mga bagong piyesa ng sasakyan. Wala pa ang bayad ng mekaniko. Haaayyy. Hirap pala talagang masalanta. Muli kaming nagkausap ng aking kabiyak. Nasermonan pa ako dahil hindi ako nagsisimba. Marahil ay isa ngang paalala ang mga pangyayari ng maykapal na ako'y nakakalimot ng aking tungkulin bilang isang kristyano. Natulog ako matapos magsawang manood ng telebisyon.
Oktubre a-dos, bandang alas-syete ng umaga...
Nagising ako sa text ni Ma. Bumili daw ako ng pandesal pang almusal ng dalawang mekaniko na dadating ng mga bandang alas otso. Tumayo ako at nagpunta ng bakery. Ubos na ang pandesal! Umuwi ako at nag-pasya na ipagluto na lang ng kanin at meat loaf ung mga mekaniko kapag dumating na. Habang naghihintay ay nag-ayos ayos muna ako ng mga gamit sa kwarto at inihanda na rin ang mga gamit na bibitbitin ko patungong Pacita kapag naayos ang sasakyan mamaya. Puro mga kagamitan lang naman iyon ni Boom tulad ng pagkain at ang mga kadekadena nya.
Bandang alas-onse ng umaga...
Ngayon pa lang dumating si Jun, ang anak nyang si Be at ang isa pang mekaniko na nagngangalang Nelson. Mangyaring meron pa palang tinapos kumpunihin si Nelson sa kanyang pinagttrabahuhang talyer. Agad nilang sinimulan ang pag-aayos ng sasakyan. Ako naman ay nagsimula na ring magluto ng pananghalian. At dahil wala akong karne o isda ay nagpasyang sardinas na lang na may sayote ang lutuing ulam.
Bandang alas-dose imedya ng tanghali...
Natapos kaming kumain ng pananghalian. Nagpasya ang dalawang mekaniko na humayo na upang bumili ng mga fuse at ng panglinis ng makina. Binigyan ko sila ng limang daan. Iniligpit ko ang aming pinagkainan pag-alis nila.
Bandang alas-una imedya ng hapon...
Bumalik sila bitbit ang mga nabiling piyesa. Nag-aabang ang drayber ng tricycle na kanila palang inarkila para umikot-ikot at maghanap ng piyesa. Syento singkwenta ang siningil sa akin ng drayber. Mangyaring ang inabot ko sa kanilang limang daan ay kinulang at nakapag-abono pa si Nelson ng syento kwarenta sa kanilang pinamili. Pinagmasdan ko silang ilagay ang mga pyesa at kumpunihin ang sasakyan.
Bandang alas-tres ng hapon...
Tsikikikikikikik.. Tsikikikik... sabi ng makina. Puno daw ng tubig ang tambutso sabi ni Nelson kaya nahihirapang magstart ang sasakyan. Sandali nyang tinanggal ang koneksyon ng tambutso sa makina. Tsikikikik... Tsikikikikik... Vrooommmmm... Vroooommmm... Vroooommmm... Vroooommmm... WAW!!!!! Parang musika sa aking pandinig. Napastart niya ang apat na araw ng nakatenggang sasakyan ko. Mga kinse minuto nya ito hinayang nakabuhay bago pinatay at ikinabit ang tambutso. Tsikikikik... Vrooooommmm... Muli itong nagstart at sa pagkakataong iyon ay ibinuga ng tambutso ang naipong tubig sa loob nito. Ang dami!
Bandang alas-kwatro ng hapon...
Naghanda na ako ng aking mga gamit. Isinakay lahat sa likod ng oto. Sila ay nag-ayos na rin ng kanilang mga kagamitan. Pinatay ang circuit breaker. Kinandado ang pinto. Isinakay si Boom at kinandado ang gate. Nakangiti akong iniwan ang binahang bahay.
Bandang menus kinse minutos para alas-kwatro ng hapon...
Dumating kami sa Pacita. Masayang sinalubong ni Dad si Boom! Ibinaba niya ito sa sasakyan at diretsong dinala sa talian nya sa likod ng bahay. Nagmamadali ko ring ibinaba ang mga gamit ko sa oto. Kinausap si Nelson at nagkasundo na sa anim na raan bilang bayad sa kanya at sa utang kong syento kwarenta sa kanya. Si Jun naman ay sinabihan ko muna na babalikan ko sya para sa bayad. Kapit bahay lang naman namin sya. Nagmamadali kasi ako baka masaraduhan ng talyer ng kaibigan kong si Ray. Dali dali kong pinuntahan ang nasabing talyer. Sarado! Sinubukan ko syang tawagan ngunit walang nasagot. Marahil ay wala pang kuryente at tubig ang shop nya kaya sarado pa. Nagpunta ako ng Kamagong carwash malapit sa dating bahay ng aking asawa. Sa pagdaan ko sa kanilang bahay ay namataan ko ang kanilang katulong na si Joyce na may bitbit na dalawang timba galing sa poso sa kanilang kanto. Naisip kong balikan sila pagkatapos dalhin ang sasakyan sa carwash. Sarado din ang kamagong carwash, ngunit andun ang may-ari. Kinausap ko sya at napag-alamang naglilinis din sila ng looban ng sasakyan kaya lang dahil walang tubig ay di muna sila natanggap. Balik daw ako bukas ng alas otso baka sakaling may tubig na. Bumalik ako sa bahay sa Pacita at saka kinausap si Jun. Hindi sya makapagbigay ng presyo sa kanyang serbisyo. Kaya ako na lang ang nagpasya na bigyan sya ng walong daang piso. Malugod naman nya itong tinanggap. At dahil nalimutan kong dumaan sa dating bahay ng asawa ko e napag-isip kong ilakad si Boom saka dumaan doon.
Bandang menus kinse minutos para alas-sais ng gabi...
Inabutan ko lang sa bahay ay si Joyce. Ang mag-iinang si Mhel, Mikai at Chen ay umalis ng bahay upang bumili ng kandila. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang kuryente at tubig. Nagkwentuhan muna kami ni Joyce habang naghihintay. At tulad ng napag-usapan namin ni ate mhel nung kinumusta ko sila nung sabado e hindi naman daw sila binaha sa loob ng bahay. At mabuti na lang at sa garahe lang tumumba ang malaking puno ng mangga sa tapat ng kanilang bahay. Mga alas sais imedya na ata nang dumating sila ate mhel. Nahirapan silang mamili dahil nagkakaubusan na raw ang kandila. Nagkwentuhan ng sandali at nagpasya na umuwi. Ipinasok ko ang oto sa kabilang garahe ng aming bahay para maiwan kong nakabukas ang mga bintana.
Bandang alas-nwebe imedya...
Matapos kong kumain, magsipilyo, maligo sa poso at magpatuyo ng buhok ay nag pasya na kong matulog. Nagdadalawang isip kung bukas ay papasok na o dadalhin ang sasakyan sa talyer. Bahala na.
Oktubre a-tres alas singko kinse ng umaga...
Nag-alarma ang aking selpon. Tumayo ako at kumain ng almusal. Habang kumakain ay nag-iisip pa rin kung papasok o dadalhin ang sasakyan sa talyer at maghap dey. Matapos kumain at magsipilyo muli akong bumalik sa pagtulog at nagpasyang wag nang patagalin ang kondisyon ng sasakyan.
Bandang alas-otso ng umaga...
Muli akong gumising at nagpunta sa carwash gamit muna ang bisikleta. Inabutan ko dun ang may-ari pero tulad kahapon ay wala pa rin silang tubig. Hindi ko na naisipang dalhing ang sasakyan ko sa talyer ni Ray dahil hindi naman ito naglilinis ng makina. Mas maayos sana kung mapapalinis ko na lahat sa isang lugar lamang. Umuwi akong malungkot.
Bandang alas onse ng umaga...
Magpupunta sila Dad kasama si RA sa SM. Mamimili ng mga gamit at pagkain at magpapagupit si dad. Sumama ako at nakisuyong idaan ako sa tatlong carwash sa mainroad malapit sa maliit na tunnel. Nagtanong ako sa unang carwash at napag-alamang hindi sila naglilinis ng loob ng sasakyan. Itinuro nila ako sa pangalawang carwash. Nakita ko ang isang babaeng may hawak ng listahan na sa pakiwari ko ay mga plate number ng mga nililinisan nilang sasakyan. Hinintay kong matapos ang kanyang pakikipag-usap sa lalaking nakasakay sa F150. Matapos ang kanilang usapan ay nilapitan ko ang babae at nagtanong kung naglilinis nga sila ng loob ng sasakyan. Biglang sumabat ang lalaking nakasakay sa F150. Siya pala ang may-ari ng carwash na iyon. Sinabi nyang tumatanggap sila nun at isang libo't limang daan ang singil nila sa linis. Pero doon sa shop niya sa Canlalay hindi dito sa Pacita. Aba at dalawa pa ang carwash shop niya. Tinanong niya kung dala ko ba ung sasakyan at sasamahan niya ako papunta dun sa Canlalay dahil papunta na rin naman siya doon. Dahil nga nagpasama lang ako kila dad ay sinabi kong di ko dala. Nag-alok syang samahan ako sa bahay para kunin ang sasakyan para madala na sa Canlalay. Pinuntahan ko sila dad na naghihintay sa kanto at sinabing sila na lang ang magpunta ng SM at dadalhin ko na ang oto ko sa Canlalay. Sumakay ako sa kanyang magarang F150 at nagpakilala. Sya daw ay si Eric Cabiñan. Naitanong ko tuloy kung sya ba ay tagarito sa Pacita at kung saan sya dito nagtapos ng high school. Aba, sya pala ay isa ring Agustiñan. Batch 99, at meron nang dalawang shop, F150 at pormadong civic! Napagkwentuhan namin ang mga ulirang guro ng CSA tulad nila desquitado at manzalay. Pagkahatid niya sa akin sa bahay ay dali kong inilabas ang sasakyan at sinundan sya papuntang Canlalay. Pagdating namin sa shop nya ay nakita ko nga ang nakahilerang mga sasakyang sinawing palad din tulad ni Cleo. Napag-alaman ko rin sa aming pag-uusap doon na meron pa syang isang talyer sa Biñan na bentahan ng mga gulong at gawaan ng sasakyan. Ayos! 1 stop shop! Nagpalitan kami ng numero ng telepono at sinabi ko sa kanyang ayusin na lahat ng pwedeng ayusin sa sasakyan at kung merong kailangan palitan e ipaalam na lang sa akin. Inestima nyang aabutin hanggang Sabado ng hapon ang oto ko bago mailabas sa shop niya. Sinabi niya ring kung may papalitang piyesa ay ibibigay niya sa akin ang mga resibo nito. Mabuhay ang Agustinian!
Sa aking pag-uwi, nakangiti akong iniisip ang pag-asang manunumbalik muli ang normal na buhay sa aking panandaliang iniwang tahanan.
hanggang dito na lang ang aking pagsasalaysay. sana'y may natutunan kayo sa aking karanasan. dabid, ihanda mo na ang date natin sa fort. pero saka na, kapag naakuha ko na ang aking sasakyan. bwahahahahaha...
By Anonymous, at 9:24 AM
pucha!!!! WINNNER NA TO!!! BUKAS NA BUKAS DIN ARMIL..ME GLORIA JEANS DATE TAYO..WALANG TATALO DITO.
By Davidmakulit, at 5:30 PM
Post a Comment
<< Home