Adventures and Stuff from David

Tuesday, August 29, 2006

Pinoy Super Heroes


Just met with a possible client for a wedding shoot here at Starbucks Intramuros. Intramuros, Rizal and other heroes used to walk and study in this place. Cool dito sa starbucks dito, its practically a hole in the wall. Malay natin baka noong araw eh cage or tambayan to ng mga students of intramuros and some of our national heroes have socialized or stepped on the very place Im sitting.

I wonder if I was to invent some super heroes , who would I make? Tipong Pinoy Justice League.

I would call their group, ..hmm ano nga kaya.. Tropang Super?, SUTODA (Super Tricycle Operators and Drivers Associaion)? ano nga kaya magandang pangalan. Lets do this scientifically..what are the current mainstream market acepted names? X-Men , Superfriends, Avengers, Justice League...so pag pinas ... EX Men ..panget parang bading, Best Friends ..parang ano ngayon?...Super berks... hmmm parang pwede tapos teeny bopper ang dating.. Juztice League para parang spoof ang dating.. o kaya imbes na avengers, revengers..spoof nanaman. OK super berks na lang para parang teen idols ang dating. SUPER BERKS, basta hero sweet lover. Syet ang ganda.

Now the nitty gritty, who would be the heroes...Ano ba ang truly pinoy at sikat...

1. Buko Pie Man! - Matapos matamaan ng asteroid ang isang buko sa Batangas, bumagsak ito kay Tonio at tuwing nilululon nya ang buko nagigi syang Buko pie man! Bakit Buko Pie Man at hindi cocounut man or Buko man? Kasi favorite nya ang buko pie yun lang ang reason walang pakialamanan. Tapos minsan lang sya maging Buko Pie Man, pili lang ang instances na nagtratransform sya. Bakit kamo pili lang? Eh kasi naman hellooo, isang buko kaya lulunin nya..mahirap yon no. Ang weakness nya ..hipon. Bakit hipon? kasi bata pa lang sya allergic sya don, mamamantal sya pag nakakain sya ng hipon. I mean , have you tried eating something your allergic too? Ang hirap no!

2. Barker Man! - FX Barker by Day, Bus Barker by night. Yun na, mahirap kasi buhay kaya halos 24x7 sya nag babarker, saka pag gabi bihira ang fx unless sa cubao sya nag barker. Ok ok, lets give him super powers, one night meron engakantado na walang masakyan, kailangan umuwi sa banahaw, bigla nyang pinasingit yung matandang engkantado kaya pinabiyayaan sya ng super powers. Kaya nyang i modulate ang boses nya mala banshee ng Xmen.. CUBAAAOOOO!!!! BUENDIAAAAA!!!! and mabibingi ang masasamang elemento. Ang weakness nya, malat. Tsaka ulan at mahamugan kasi mamamalat sya. Minsan Malamig na tubig bawal rin.

3. Jobillee - parang si Jubillee ng Xmen but with a twist, he got his power from eating a radioactive hamburger sa Jollibee, makakagawa rin sya ng parang fireworks gaua ni Jubillee kaso mostly sumasabog na fireworks kasi mahal ang colorful. Ang weakness nya eh hindi sya pwede dorung december kasi marami syang gig sa mga mall.

4. Bat Mang - prang Mang Bat kaso binaliktad nya kasi favorite nya si Batman. Actually Manananggal sya , pero para hip tsaka after nya ma renew ang interest sa batman because of Batman Begins, nagi syang Bat Mang, and naging mabait sya. noong nag Batman 4 kasi naasar sya. Weakness? Syempre yun dati pa rin, asin, palaspas, tsaka madali syang mapikon pag sinasabi na ang manananggal eh babae. Meron rin namang lalakin gmanananggal parang lalaking nurse at stewardess.

5. GRO Girl! - She's 21, sexy with pleasing personality na sexy manamit at parang nakikiflirt sa mga heroes. Wala syang super power, pero kasama sya lagi ng Super Berks kasi nga maganda at sexy sya, para lagi silang looking forward sa mga meeting kasi andon si GRO Girl. Weakness, wala naman basta cute and witty, weakness nya.

6. Wonder Guro! - 35 Year old , Single Woman na mataray. As in Mataray, yon actually ang power nya, nasubukan mo na ba masungitan ng babaeng kamukha ng teacher mo nung bata ka, parang nakakapang hina, parang it hits you deep down in your psyche to your childhood memories tapos matatakot ka na lang. Meron rin syang pamalo just incase. Ang weakness nya, Regine Velazquez CD's

7. Dr. Driver! - Dati syang Taxi Driver, kaso natanggal sya trabaho kasi nagsara yung company, so lumipat sya bilang driver ng isang doktor, hence his name Dr. Driver. Ok medyo lame ang story nya so bigyan natin sya ng powers. Nakuha nya yung Magic Golden Manibela don sa isang Tito Vic and Joey Movie (ano nga ba title non?) which gives whatever he drives unvelievable speed and accuracy and maneuverability. Sya ang designated driver palagi ng Super Van. His weakness?..Traffic tsaka mahirap na parking, madalas intay sya sa sasakyan lalo na pag me trobol sa mall of asia at greenhills.

8. Party Girl! - Si Party Girl ay galing sa mga anak ni Mariang Makiling, Diwata sya with magical Powers. Her weakness nga lang is mahilig syang gumimik so madalas puyat sya. Maasahan lang sya sa trobol kapang hapon na, pag gabi kasi me gimik nanaman sya.

9. Dyeseanne - Pinsan ni Dyesebel, wala sya gaano powers kasi lalangoy langoy lang sya pero gaya ni GRO Girl, favorite sya ng mga heroes kasi topless sya pag lumalangoy. Malaking weakness nga lang nya gaya ni aquaman eh, pag nasa lupa ang kalaban, wala syang maitutulong, kunwari sa Pampangga or Quezon City or Baguio, malayo sa dagat.


To add also, si Dr. Driver ang nakaisip ng motto ng group na basta hero sweet lover. So wiitty that guy by golly.

Hopefully me maisip pa akong super hero na pwede sa Super Berks. Til Next Time .

As suggested by my friend mike, Im moving the section about pinoy super heroes to a seperate blog hehehe.

Labels: , , , , , , ,

2 Comments:

  • Hahahahah!!! The best yang naisip mo a... Galing!

    Cheers!

    By Anonymous Anonymous, at 10:21 PM  

  • hahahaha! you've got an exceptional sense of humor... a little weird, jologs, pero cute =)

    By Anonymous Anonymous, at 12:20 AM  

Post a Comment

<< Home