Adventures and Stuff from David

Monday, May 22, 2006

Silent Killer

Naalala mo pa ba yung classic joke nung kolehiyalang nautot sa jeep? Parang nangyari sa akin..naalala ko lang bigla kasi nautot ako habang nagcecellphone. Well the story goes .. may magandang kolehiyala and nakasakay sya sa jeep, tapos nauutot sya. Nahihiya sya umutot so ginawa nya isasabay nya sa sounds ng jeep tuwing me bass na malakas kasi nga todo sounds ang jeep. So ayon, Thump thump poooot thump thump... ANG LAKAS nung utot tapos tingin sya sa tabi ..dedma lahat ...Ayos timing! sabi nya. naulit yon ng 3 times pa, sinasabay nya sa sounds. Bawat isa todo bigay sya kasi nga di naman mahahalata. Pagbaba nya ng jeep bigla syang tinawag nung isang pasahero ..MISS eto na ang earphones mo nahulog o! buti na lang bumaba ka na angbaho na eh. (naka earphones pala sya ,yon ang sinasabayan nya ng timing).

Well, putex nangyari sa akin yon!! Magisa ako sa overseas assignment, tapos naka earphones habang nagproprogram, pagkautot ko minuscle control ko pa para di maingay..kasi feeling ko naman di maingay ng maisip ko SYET naka earphones ako, malay ko ba kung ano sound. Pagtingin ko sa tabi ko dedma lahat..Parang yung kwento. Until this day di ko lam kung ano talaga nangyari.

1 Comments:

  • tol pinatawa mo ako,muntik nga rin akong mapautot[joke lang] puede bilang ganti heto yung BLOG[rsf11FUSION] ko kauumpisa ko lang, marami pa akong kakakining bigas, nagawi lang ako dito dahil sa bungang araw ko

    By Blogger Rick Fernando, at 12:17 PM  

Post a Comment

<< Home