Adventures and Stuff from David

Tuesday, November 07, 2006

Missing my Lola

Just got home from a party , medyo sossy nga eh.. di naman ako mahilig sa ganon. Sana nag saguijo na lang ako, kaso wala akong makasama. Kamikazee and Rivermaya pa naman. I turned on the TV, reporter ata ang palabs, me nareunite na lola sa family nya. As usual wala pa rin akong cable , so kung ano meron sa TV..yun na.

Yun, don nagsimula, iniinterview ang lola, naalala nya ang anak nya , kinakausap nya tapos after a while makakalimutan nya kung sino kausap nya, sasabihin nya "kamukha mo anak ko" , then eto ang kicker , sasabihin pa nya "uuwi na tayo sa Sta Ana?" , sasabihin nung anak "sa Las Pinas tayo nakatira". At this point nagbabadya na tumulo luha ko. Sa lahat naman kasi ng lugar sa Sta Ana pa ang sasabihin. Dyaske naman.

Sa Sta Ana kasi ako lumaki, taga ron ako hanggang High School . Nakatira kami sa bahay ng lola ko all the time we were in Sta ana. Mahal nya ang bahay nya don, she built and grew it on her own. Modista sya then me mga paupahan sya na small houses. Lagi nya kinukwento na kahit maliit and magisa sya nakapagpagawa sya ng mga paupahan. Syet nalulungad mata ko pa rin ako habang tinatype ko to. Both my parents worked, so ang lola ko ang nagaalaga sa amin magkapatid, sya ang sumasama sa school or sumusundo. We got a new house sa qc non, every now and then pupunta ang lola ko sa bahay namin, titira for a week then uuwi rin kasi bored na. Then as time progressed, paiksi ng paiksi ang time na gusto nya away from the house. Ayaw nya na umaalis sa bahay nya sa Sta Ana, pag sinundo namin sya sigurado kinabukasan eh gusto na nya umuwi agad. Pag tinatamad or busy kami para mahatid sya , either pipilitin nya mag taxi or kukulitin mga katulong para hatid sya. She was a very persisent woman. Makulit ang lola ko.

It got worst and worst na ayaw nyang aalis sa bahay kasi baka me mawala daw or something, tapos every now and then gusto nya maglalakad papuntang palengke kahit hirap na sya maglakad. As years passed her mental faculties started to regress, I guess alzheimers or dementia na ang pumapasok. She would see things or forget our names or have no idea of time and date. Tapos pagmakikita nya kami, maalala nya kami "ay si daviid" (in a high pitched voice). Minsan mapagpapalit palit nya pangalan namin. Minsan makakalimutan nya sino mama ko. Pero everytime she would remember, kakapit agad sya, like me she would hold on to my arm and say "ang gwapo kong apo", then tatawa tawa sya. Minsan lolokohin ng brother ko sasabihin nya "ay si dabid kaya yan pinapadala sa abroad kasi me gusto sa kanya ang boss nyang bading".. in my defense sasabihin naman ng lola ko , "eh ano ba uso naman yon, gwapo eh" then she would laugh. Every time we visited her , lolokohin sya ng panganay namin and everytime she would come to my defense. That was something I was always assure of, she would always come to my defense.

Realizing now, siguro kaya ang kulit non ni lola kasi parang early stage of alzheimer or baka talagang ang kulit lang talaga ng dugo namin. Time went on na talagang her dementia got worst and she had trouble walking. We brought her home to QC where she would be taken care of. I would talk to her pag umaga bago pumasok.. pero she would barely remember me. Me spurts na maalala nya then mawawala. It was hard to see her like that. It was hard to imagine that the memories you would cherish so much, the things you try to look back to whenever you needed to feel good..mabubura parang file sa computer. It was sad and scary to fathom what she was going through. Minsan iniisip ko, talagang nakalimutan na ba nya, was the years of learning and experience all gone. Pero one thing I felt good was that she would remember me , my siblings, and she would always look happy when she did. She died , wala kami sa bahay, she was couldnt walk anymore and couldnt stand up, nakahiga na lang sya madalas. She lived a full life. She was a big part in shaping me the way I am now. Grabe na miss ko ang lola ko. :_(

Naiiyak na ako.. bwiset .. I really got to get cable.

Lola ko and Me.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home