Adventures and Stuff from David

Wednesday, November 15, 2006

Wonder Products and Attitude of the 80's

OK, I know.. yes I did grow up in the 80's so it does show my age. Some of the things that I just couldn't forget are the products and the belief of the people during that time. I guess during the 80's where some of the darkest and also the brightest times of filipino culture as well. The 80's was the peak of the palakasan, kumapare, red tape, lagay and all the other bad stuff that proliferated during Marcos Rule which until now is stuck in our way of life. But of course there was also the EDSA revolution which kinda balanced things out. Pero hindi yon ang BLOG ko, masyado drmatix kung yan... I wanna remember the one of the great aspects of the 80's, the WONDER PRODUCTS which I like to call them. These are the products which are the solution for the faintest of problems. There was no TV shopping before, these products are like the answer to all your woes, mga products na.. cutting edge. Tipong sasabihin mo , syet dati eto lang ang sagot dyan...
Here are the stuff I consider Wonder Products, and please leave a comment if you remember anything that should be added. A wonder product is something na wasnt commercialized yet everyone has used it or knows it. It has to supposedly work so hindi kasama ang Carolina or Seiko Wallet kasi theres nothing wondrous about them.
My List:(see pictures below as well)
1. King Toh Nin Jiom Pei Pah Koa - The ultimate cough Medicine, kahit anong ubo specially the ones that have gone on and on for more than a week.. Eto alng ang katapat nyan!
2. Sebo De Macho - Nabulutong ka? May peklat? walang problema, Sebo de macho to the rescue!! Ano sinabi ng Diamond Peel dito.
3. Maxam Toothpaste - Sensitive Teeth? PAnis.. Sensodyne my foot!! Maxam to the rescue
4. Eskinol - Pimples ? Blackheads? ano ang sinabi Pro-Activ ni Puff Daddy at Vanessa Williams.. Vilma is the Man.. naisip na nya yon dati pa... Eskinol ..superkinis ang balat mo!
5. Fissan Powder - The ultimate and only cure for Bungang Araw. Actually di ko nga alam kung san ba nakukuha ang bungang Araw, feeling ko eh sunburn lang ata yon..pero ayun nga... kating kati ka na , hindi mo makamot kasi ginawa ni Lord na sadyang meron part ng likod mo na di mo makakamot.. so ayun..mapraning praning ka na ..pero wag mangamba, wag matakot.. budburan mo na lang ng Fissan at instant cure! Shangrilah!!! Goodbye bungang araw!
6. Fish Liver Oil - Nanghihina ka ba? Mahinang klase ang mga Enervon C at Clusivol..isang kutsara nito everyday at lalakas ka rin!
7. Oil of Wintergreen - Nahihilo ka ba? Sinisipon? Barado ang Sipon? sumasakit ang katawan? Taadaaaah!!! lahat yan, Decolgen, Advil, Bengay, lahat yan isa lang ang katapat!!!
8. Rugby - Lahat ng Bagay pwede maayos sa Rugby, well almost ..pwera lang plastic.. Ang di kaya ng MightyBond..kaya ng Rugby. Kung tama ang pagkakaalam ko, sa pilipinas lang inimbento ang Rugby.
9. Aspilet - Ang Wonder drug sa lahat ng sipon, sakit ng ulot at lagnat.
10. Ma Ling - Kahit saan , kahit ano ipartner masarap ang Maling. Mi hindi pa uso ang foot and mouth non eh uso na to. Lahat ng bahay ay me Maling. At higit sa lahat , kailan ka ba ever nakakita ng commercial ng maling sa media?
11. Combantrin - This product was solely responsible for bringing into consciousness the creeping problem of our youth in the 80's ...BULATE. Simula ng nilabas ang mga linchak na commercial na yan.. basta malaki ang tyan ng bata.. me bulate.. basta nanghihina..me bulate. I mean , during the 90's have you seen any combantrin commercials? Have you heard of any new anti-bulate medicine? Parang di na uso ang bulate since the 90's. In short , salamat sa combatrin , what antibiotics did for TB, Combantrin did for Bulate(so sossy naman my english).
12. Puruntong Shorts - Pinauso Ni Dolphy, made cool by Richard Gomez and Joey Marquez. Mas nauna pa ito kay Jordan, si Dolphy talaga ang nagpauso ng mahaba at baggy shorts, he was a visionary during the time na singit shorts ang uso. This also paves the way for the modern day ..cargopants. Hanep talaga si Pidol.
13. Spadril Shoes - San ka naman makakakutang masmatinding futuristic design.. Nike, Adidas aint got nothin on Spadrils... san ka naman makakita ng sapatos na parehong left and right. Astig.
14. Growth Balls - the wonder medicine that mirculously made a generatin taller than what our genes dictate. Well not all anyway.. Tanginang Growthballs yan.. ang sama ng lasa di naman gumana sa akin.
15. Eat Bulaga - For still being on air and fostering generations of starts , lingo and mass appeal gimmicks.
16. Carmi Martin - Wonder product kasi hanggang ngayon ganon pa rin mukha nya...ang weird!! hottie pa rin.





Labels: , , , , , , , ,

7 Comments:

  • ang white flower ba nung 80's?

    By Anonymous Anonymous, at 11:30 PM  

  • How about United American Tiki-Tiki... or Combantrin... at dahil wonder products, kasali ba ang Wonder Boy? Texas and Tarzan bubble gums? hehehehe... ndi ko nga lang sure kung kasama yan sa 80's products...

    isip pa ako ng iba na pwede contribute... hehehehehe :D

    cheers!!!

    By Anonymous Anonymous, at 1:15 AM  

  • Actually ang White flower ata eh panahon pa ni mikikekwek pero since widely used sya nung 80's eh nilagay ko na rin sya

    By Blogger Davidmakulit, at 10:48 AM  

  • Ano ba ang Wonder Boy . OO kasama ang Combantrin salamat sa suggestion mwah. Ang bubble gum eh inde kasi nothing special sa bubble gum na yon.. unless me kakaiba sa kanya.

    By Blogger Davidmakulit, at 10:50 AM  

  • how about ung mga nausong hair spray nung 80's? there's this one brand na uso nun, di ko lang maalala. at nung naging sensational ang pagkasira ng ating ozone layer (nagpapakaenvironmentalist ba, hehehe)ay na-ban sa market.

    By Anonymous Anonymous, at 1:49 AM  

  • Tol, kasama ba ang Cerelac? favorite ko yun, naalala ko, inaagawan ko pa kapatid ko, :D

    By Anonymous Anonymous, at 11:01 PM  

  • Aqua-Net yon.. tsaka indi naman wonder product yon.. nasira kasi ang ozone.

    By Blogger Davidmakulit, at 2:27 PM  

Post a Comment

<< Home