Adventures and Stuff from David

Wednesday, February 07, 2007

History Lessons from a Blind Man

Nagpamasahe ako nanaman sa Makati Square..sa group ng mga bulag positioned sa ilalim ng hagdanan papuntang superbowl. Ang nagmasahe sa akin yung isang mukhang veterano. So ayon habang minamasahe.. kwento kwento sya..natamaan nya yung binili kong patungan ng tv na plastic..sabi nya .."ser tv po ba yon" , sabi ko patungan lang.

Tapos ininterview ko sya , sila pala ay kooperatiba ng mga bulag tapos galing pang antipolo. Hinahatid sundo sila ng kooperatiba jeep na in between eh pinapampasada. Sila rin ay nagbibigayng at least percentage ng daily earnings for the cooperative.

Kinuwento nya how it all started. Ayon sa kanya, the Makati Jaycees were the ones who spearheaded the massage trend in the Philippines in the 70's. Nag fund sila ng 4 na bulag para magtrain ng Shiatsu.. noon daw wala pa ang mga swedish at ibang massage, Shiatsu pa lang. Sa 4 na yon nagsimula ang pagtrain sa pinas ng mga bulag na masseuse ..syet para silang the original vampires or shaolin masters na malamang eh super galing na ng kungfu nila ngayon..pero sa totoo sabi nung nagmamasahe sa akin.. eh patay na ata sila kasi ang tagal na non.

Aside from the training he had, nagtraining sya pa non sa Ospital ng Maynila for human anatomy, tapos halo halo pa daw ang bulag at indi bulag sa class.

Nalipat sa other talent nya ang kwentuhan, so sya pala ay musician, He was a piano and organ player. Dati daw sa Shakeys west sya nagstart at nagpiapiano daw sya don nung 70's . Kaso there came a point na di na uso ang Piano and mga combo daw ang nauso so nawalan syang work . This was around the 80's ,I would assume this was the same time "The Dawn" came about , nauso ang mga banda durng that time. After non nagwork sya sa isang piano bar for a B-List entertainer sa may Dian. Siguro this was the time of Vernie Varga and other Lounge Singers then lumipat sya sa Kamayan to play the piano. There he stayed for a while pero during the 90's umalis daw sya kasi pinalitan sya ng mga trio. I guess that was the time the singing cooks and waiters came about..nagkaalbum pa nga sila eh mantakin mo yon.

He played in some bars din kaso nauso daw ang banda nanaman kaya no work for him, E-Heads era siguro to ..that was when he moved to playing with other blind musicians tapos nagtuturo sya ng music and massage. Dami raket din ni manong eh.Since nawala daw sya work.. don nya naisipan sumali sa cooperative which started from 14 members now at 200 members.

P150 for a good massage and a short non-mainstream history lesson. Not bad.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home