Adventures and Stuff from David

Thursday, June 08, 2006

Nasan na ang mga Childstars




Buti naman at passe na ang mga Childstars or kung meron man, eh talagang "Worthy" talagang maging childstars. Gone are the days na pag ang bata nagpapacute lang konti eh childstar na. Kailangan ang childstar ngayon eh kayang bumirit mala regine, sumayaw ng parang streetboys at umarte na talagang madudurog ang puso mo gusto mo ng magdonate sa orphanage agad agad. I mean nag level up na ng husto ang childstars ng new generation.

Naalala ko dati..ang childstars, si matet, si IC mendoza , nung kabataan ni Aiza.. medyo makulit t pacute lang ng konti, tuwang tuwa na . Mantakin nyo ba naman si Matet ang role lang sa movie eh sasabihin..Takot Ako childstar na. Well si Nino Mulach magaling rin non kasi up to par talaga ang performance nya although typecast sya sa role at parang ang acting nya eh single faceted lang. Eh compare mo naman kay Carlo Aquino na childstar.. parang lahat ng movie na kasama sya eh ginugulpi sya ng tatay at ng gang, hinuhulog sa hagdanan , sinasampal or minsan na rerape pa! Yan ang childstar..hardcore.. sabagay yung mga kagaya nya siguro eh child actor kung tawagin. Siguro kaya sa new generation eh hardcore na ang mga childstar kasi nagiging Bibbo na ang mga bata. So hopefully this is a good sign for the future, kids are growing up to be smarter(?). Eh halos lahat ng mga 2-3 yrold anak ng middle class to upper class, Memorize lahat ng kanta ni Barnie, marunong ng spanish salamat kay Dora, Me accent mag english, nakakanta lahat ng jingle sa TV, marunong mag otso otso, at yung iba kaya ng magcellphone! Eh dati magawa to ng bata , pwede na sa TV . Siguro nga good news to salamat sa promil atbp.

Anyway kaya ko naisip magpost regarding childstar kasi napagusapan namin ng friend kong si Barbs about them , asan na kaya yung dating childstars...eto ang cinontribute nya plus ibang na research ko:

1. Glaiza Herradura - Nagasawa na
2. Atong Redillas - Nagtapos na ng Engineering sa UP, Last movie I saw was at Muro Ami. May IT company na (tnx emman)
3. Aiza - Singer , Acoustic Songs, ang ganda ng GF. If my grandmother who passed away could see her now. favorite nya dati si Aiza, sinamahan ko pa si lola manood ng wakeup little susie.
4. Matet - Nagasawa na, naging estranged with nora and now is back.
5. Carlo Aquino - Teen Star na
6. Camille Prats - Si Princess Sarah, langya... All woman na, lumabas saFHM. Dati cute na cute ako dyan nung sa princess sarah...sabay lumabas sa FHM whoa! Me malisya na ngayon pag nakikita ko sya..aang weird ng feeling.
7. Strawberry or si Maybeline ba yon? - Namatay sa shootout sa paranaque
8. Rominick and Harlene Bautista - Magasawa na
9. Nino Mulach - no more movies , naghiwalay na ata sila ng asawa nya, parati sya sa mell and joey.
10. Judy Ann Santos - From Ula ang batang gubat to pop idol, kakakasal na kay Ryan Agoncillo.(tnx joane)
11. Angelica Panganiban - Gone to mature roles na rin!
12. Katya Santos - Went on to sexy movies and owns a ministop.(tnx emman)
13.....isip pa ako ng iba or kung me ma dadagdag ka pa..comment mo lang :)

3 Comments:

  • 10. angelica panganiban - si becky sa princess sarah. laki ng b**bs. hahaha.

    By Anonymous Anonymous, at 9:38 PM  

  • si juday? diba sha si ula ang batang gubat? hahahaha! pero in fairness hindi sha nagpakasexy sexy ngayon, or baka meron lang akong hindi napanood na nagpakasexy sha.. hmmm..

    By Blogger qtdenise, at 9:50 AM  

  • Anyway, hey mate, showing off with talents are we? Ur good in writing, i felt it bro. Well done!
    All i cna say abt childstars in Philippines, like that girl in her knickers or undies..is they have no choice! If u got no talent,no education and no other job,and all u know in life is being in the entertainment world, u have to Re-INVENT urself, it may be now knickers on, next time knickers off, next time eating fire, gosh who knows whats next! :)

    -Cheryl

    By Anonymous Anonymous, at 5:20 PM  

Post a Comment

<< Home