Noong Araw
- Oldschool , age factor post....
Di pa naman ako ganon katanda, pero infairness ang laki ng tinalon at inevolve ng standards and culture between my childhood from what it was before to what it is now. I wonder if its because the rate of change everywhere in the world or if its just that our culture is changing fast and improving ergo that there is still hope . Pls bear with me, majority of this blog would start with the Phrase.."Noong Araw".
Nagfamily picnic kasi kami sa antipolo, for some reason na di ko alam, we go to Antipolo every June para magismba at magswimming. Eh Everyyear naman eh di kami nakakasimba ng maayos kasi maraming tao. Sa labas lang kami. Noong Araw, para makapunta kami sa Antipolo, manhihiram pa kami ng Fiera or Van, kasi ang layo layo ng antipolo. Talagang Excursion para makapunta don. Ngayon.. eh uwian pa ang mga officemates ko don. Pagnaisipan namin gumimik sa overlooking...eh hala punta.
Sa family picnic namin , don ko narealize ang changes. We're not a rich family, we're as middle class as you can get, with good looks nga lang(wala lang), tapos nilabas na ang usual Baon sa picnic ... Adobo(usual stuff) pero ngayon merong hipon at eto pa..Pata Tim. OO Pata Tim. Noong Araw, an Pata Tim eh hinahanda lang pag especial occasion. Birthdays lang ng lolo at lola ko yon me kasamang Pansit. Kumbaga pag kakain kami sa restaurant, ang patatim ang nasa gitna ng mesa kasi yon ang sosyal katabi ng pansit. Tapos ngayon handa nalang sa excursion..na demote na ang patatim. In fairness, I never realy enjoyed patatim. Parang ang North park . big biddha and other new chinese restaurants dont even have it(tama ba?). If you are in the below 35 yr old age bracket..when was the last time you went to a chinese restaurant and ordered Pata tim. Ngayon ang staple food na sa chinese restaurants is beef brocolli, salt and pepper spare ribs, ang china chicken eh hindi na ganon kasikat.
Pati ang word na excursion parang dina uso. Pati ang resorts, talagang tumaas an ang taste natin kasi noong aaraw, may swimming pool lang eh talo talo na, ngayon dapat me landscaping , slides at fountains ang pool para sabihing maganda. Noon basta magkaroon ka ng malaking pool eh bigtime.
Nagpunta kami sa Loreland resort, ok naman, noong araw eh bring your own bangko sa outing kasi mahal ang cottage, ngayon its a must na. Here is an indication that there are improvements in the way we live, bawat cottage napansin ko meron provision for trashbags, yung nakahanda ng sabitan which means we are slowly getting use of cleaning up for ourselves. Noong araw pipili lang ng isang sulok tapos doon itatapon ang lahat. Pag sinuwerte eh sisigaan. Sabagay kasi naman noong araw pag nakatrashbag ka eh sosyal..yung itim na trashbag eh pinapasalubong pa noon mula sa US. Eh syempre dahil galing US, sosyal na yon so pwede mong gawing schoolbag! Pero di ko naman nagawa yon.
I was just getting coffee , dito sa office namin kanya kanyang timpla walang coffee maker which is another marvel of improvement as well. Nanghingi ako sa officemate ko, ang pinahiram sa akin eh Tasters Choice, noong araw ang tasters choice eh ginagawang conversation piece , nakadisplay sa stante at bawal gamitin. Pag bibisita lang ang boss ni papa ilalabas yon. Ngayon standard na, at may starbucks pa. Even coffee makers where a luxury, Ang alam ko noon ang brewed coffee eh sa hotel lang nakakain. Ngayon me sarisariling coffee maker na sa bahay .
But I guess the best improvement Ive seen is that we expect better quality now from almost everything. Salamat siguro sa Jolibee at mcdo , we expect that service be done with a smile. Di na uso kunwari sa mga restaurant, pag parang galit ang waitress habang kumukuha ang order na parang utang na loob mo ang kumain don,eh pwede mong ireklamo . Noong araw pag nireklamo mo ang waitress na nakasimangot malamang sagot sa yo "bakit beerhouse ba to at kailangan ngitian ka ng waitress?", ngayon pagsasabihan ng manager ang staff. Kahit sa taxi , spa, grocery we expect better qualit of service so nagiimprove rin ang mga stores pati sa City hall , eh binibilisan na ang processing, although andon pa din ang mga matatandang employees na parang galit pag pinagtratrabaho mo, there is still improvement. Sana nga kahit baby steps , lahat eh level up sa quality and demand for quality...demand for improvement. Sana :)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home