Adventures and Stuff from David

Monday, July 03, 2006

Kaya kaya ni Superman ang Pinas

Just Saw Superman Returns Last Weekend. Ok na din, so since uso why not blog about it as well.

Im thinking about how to do this, just thought of the title but have not idea how to go about.. anyway bahala na si batman este superman...

Well lets see, I wonder what the man of steel can start on, I guess traffic... so ano kaya gagawin nya.. punta sya sa edsa and lahat nung bus na tumitigil sa gitna and humaharang sa kalye eh itatabi nya. pati mga jeep na tumitigil kung saan saan itatabi nya..kaso malamang magalit ang mga pasahero sasasabihin sa kanya "pesteng superman to, nilayo pa ako sa babaan ko, you asshole!" . Plus I dont think the man of steel can do anything else kasi after nya itabi mga sasakyan, gagawin uli pa rin ng mga drivers the 2nd time around so stuck na sya as a MMDA kung yun ang aayusin nya..saya lang.

Too much politics, I wonder how he would do it? He would address congress and tell the whole Philippines against the evils of politics, after that the politicians would rally around him, and baka magkaroon ng sarili syang Party... the Superfriends (ang baduy). He would probably end up the presidential candidate kasi gwapo, matangkad, Me pelikula pa..tapos lilipad lipad pa ano sinabi ng mga candidates na nagballroom at sumasayaw. Malamang siraan rin sya kasi me anak sya na indi kasal. Tapos sasabihin di sya pinoy kasi taga krypton sya. Alien sya, sabi nga ni Rex Navarette,he is from krypton and he is white. Pero malamang manalo nga sya kasi pogi sya tapos witty pa. Pero I dont think he would like that.

Stop Corruption, siguro imposible pati minor corruption kasi sobrang dami, yung mga bigfish siguro kaya...hmm possible siguro. Superpowers and all kaya nya. Kaso baka nakabalik na sa Krypton at lahat tinatrial pa ang nahuli nya.. well at least.

How about the Rallies? baka hindi rin , baka mabuset lang sya kasi di nya malaman ang kakampihan, parehong may point at walang point. Baka sumakit pa ang ulo nya. Baka mabato pa sya ng fake na kryptonite mula recto.

Unemployment? Ok scratch that one off, superman sya indi si God.

Cellphone snatching ..ayan kaya nya.

Pagmay bagyo..siguro ayan kaya nya yan.. makakatulong sya. Tulungan yun mga victims, kaso short term lang di naman nya mapapakain lahat yon palagi.

Mga tumataob na bangka pag may bagyo - YAN!! kayang kaya nya yan kaso mabwibwiset sya kasi panay ang sakay ng mga tao kahit puno na.

Hmmm ano kaya ang talagang matinding masosolve ni superman... Ala ako maisip ..siguro tayo tayo nalang muna sa ngayon.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home