Magkasunod na magkaibang gimik ang pinuntahan ko this week. Tuesday nilibre ko yung 2 close friends ko and a blind date sa Fat Michaels in Pasay(?) for our Christmas Dinner, tapos after non eh diretso sa Saguijo. Next day , niyaya ako ng friend ko sa embassy kasi birthday ng VJ na si Karylle tapos pinsan nya friend ni Karylle..in short uzi ako. Lets differentiate...
Fat Michael is a hole in the wall restaurant, nasa residential area sya near Evangelista and South Superhighway somewhere in pasay. Sa labas parang simplent bahay lang, sa loob no expensive decor but alot of variety put in, parang bohemian/gypsy style motif something out of the 70's. Ang staff ay yun rin may ari , so I would bet so is the cook. Medyo slang slang pa nga kung kausapin ka pag kukunin ang order mo , so parang nakakailang magpakuha ng magpakuha ng tubig..talagang mapapaorder ka ng drinks. Menu is on the wall and meron ilang printed.. the food is fusion dishes so meron mga mediteranean, french, american, italian and filipino dishes plus siguro ilang inimbento nila. In fairness masarap talaga sya..malasa. ang price is ..not cheap pero for the quality of food..its worth it.. yun lang wag mo assume na pagpunta mo don eh bundat ka after. After ng mga 2 hours na pagtambay , pagingay at pagasaran don kasama ni Cris and Myra , plus Irene who was my blind date for that night, lipat kami sa Saguijo.
Saguijo is another hole in the wall, nakatago sa Guijo St. San Antonio Village, again sa gitna ng isang residential area so malamang sorry nalang sa mga kapitbahay. Ang Saguijo eh Parang Mayricks sa Espana, isang Rock and Roll bar na ang crowd ay mga yuppies, artists, students and other bands . Madalas mga Indie bands nagpeperform dito, parang the old Club Dredd. This is my favorite bar, masarap rin ang pagkain, mga tao is ok naman at mababait, contrary to public belief na ang mga rock bars ay magugulo, nakatatoo at high ang lahat tapos lasing at nagwawala ang mga tao.. this is not. Sa taas meron parang boutique tsaka me art gallery tapos sa liit ng lugar at sa lakas ng sound, asahan mo pag tulog mo eh me humuhuni pa rin sa tenga mo. That night "Play4Serve" ang production, Sandwich and Imago was playing, 2 of my favorite bands. Ilang beses ko na napanood ang bands na to ..pero da best palagi pag inabutan mo silang nakainom na tapos sa Saguijo tutugtog kasi they let it all out.. Medyo nagmellow down na nga ang Imago mag perform compared nung una ko sila mapanood nung Summer, siguro sa dami ng gig. Nung turn ng Sandwich na.. syet they started out slow pero they ended Awesome. Lumalabas talaga ang pagkamusician nila... Medyo nakainom na ang band so angkukulit na.. sumasayaw sayaw na ang mga guitarist.. Si Mong ang Gitarista eh nag eexperiment na ng mga effects at distortion sa electric guitar . Then the kicker..Tinawag nila si Jun Lupito na nakatambay rin at nanonood lang, si Jun eh Guitarista ng Juan De La Cruz.. so kickass rocker na sya 70s pa lang, martial law pa lang.. in short.. ICON sya. Tinawag sya ni Raymond, tapos nakijam sya while sandwich sang Sunburn.. Astig, the best way to put it..100% simply Astig. Panay ang rifts nya ng mga 70s style kinda rock, parang carlos santana and all of this was impromptu, sinabi lang sa kanya ng banda.. Sir Basta "A"(chord) .. yun na.. Jam time na , tapos naka ilang solo sya..Yun talaga ang tunay na musician , kaya mag freestyle, mag impromptu..mag create on the fly. LAst song tinawag ni la Si Karl Roy , another old school rocker, pero medyo olats ang number nya kasi high ata.. pero masaya pa rin, si Ebe ang soloist ng sugarfree was infront nakikisigaw, kami nakaupo sa sahig sa tapat ng speaker katapat mismo ng banda. That was a good night. A Kickass Indie kinda night for P150 entrance with free 1 beer.
The next evening tinawagan ako ng friend ko , niyaya nya ako sa Embassy, cousin kasi nya si Ariana who I heard is lagi sa SOP sa tv, tapos invited to Karylle Marquez, the VJ, birthday party. Since once palang ako nakapunta sa embassy and gusto ko malaman paano magparty tong mga celebs don.. sige pumunta ako. Nagpupunta rin naman ako sa mga dance bars kasi favorite yon ng iba kong friends so ok lang naman sa akin, pero usually, friends ko na girls ang kasama ko pag sa bars. So punta ako don sa the Fort Strip , pumila sandali sa labas . Sa crowd pa lang iba na, sa Saguijo, shirt , maong at rubbershoes sa embassy sosyal.. naka designer outfit , iba naka coat, iba naka bandana pa yung pang R&B, siempre ang pinaka importante e ang expression mo ng sarili mo so kanya kanang personal style.. at ang pinakafavorite ko eh paikisian ng suot ang mga girls don. P450 ang entrance with 2 drinks, ok na rin kasi mahal don..sana pala kumain ako sa gourdos , gourmet food sa tabi non, an sosyal plato palang eh alam mo ng mamahalin, mabigat eh malamang japan yon indi taiwan. Kaso mahal don, P400 ata and higher isang meal. Anyway pagakyat ko , di ko malaman bat ba me pila sa labas eh konti naman tao, me mga disco lights tapos nakatayo halos lahat kasi konti upuan then chika chika and drinks. yung iba medyo sumasayaw sayaw na. So cool na rin walang pakialamanan..walang dance floor..kung gusto mo uminom inom ka..kung sasayaw ka na , eh di sayaw in place. Yun lang ang di ko naobserve ng husto, ano ang usua kwentuhan, sa Saguijo minsan me maririnig kang nagtatalo ng mga philisopical stuff yung bordering on weird na kagaya ng mga conspiracies or minsan naman mga music ekek like gigs, movies, or mga sino mas magaling na rocker. Dont wanna compare, kasi dapat marinig ko ang kwentuhan ng mga DJs at regulars don, kasi nga naman mga naririnig ko panay small talk lang or chismisan nun sa mga katabi ko sa embassy, pero syempre di naman kasi conjusive for talk sa embassy dahil disco . Nakapasok ako rin sa wakas sa VIP area ng Embassy..noon VIP area lang ng mga KTV Bar ang mga napapasok ko, same kida people outside are in the inside, not sure if wild parties happen there but it was terribly crowded , lotsa people smoking and just chatting, siguro konting sway sway for dancing pero its too crowded to do anything else. Syempre gusto ko rin pumpunta sa mga dance bars with friends na girls, pero nung time na yon barkada kong lalaki ang kasama ko at ala pa kasamang girls so medyo hmmmm... not my kinda thing, umuwi ako after an hour , had 2 beers which came with the entrance fee.
Siguro hindi lang ako more on the fabulous , place to be seen kinda guy, trip ko yung me napapanood o may ginagawa. So I guess, unless I go with some hot chicks for dancing , Ill stay with the Indie places. Mas at home ako.