Adventures and Stuff from David

Friday, February 27, 2009

Thought for the Day

Ang Paboritong Pasta ng mga Tunay na macho .. "Penne"

Thursday, February 26, 2009

Eto nakakabadtrip rin for girls

Nagcocover ako ng kasal kagabi ng naisip ko..

Nakakabadtrip siguro kung girl ka tapos na-first kiss ka nung ikaw kasi ang nakasalo ng bouquet at na kiss ka sa ibat ibang parte ng katawan dahil kailangan gayahin nyo yung couple kung san sila magkikiss. Badtrip yon, lalo na kung di mo type ang guy, mas badtrip kung medyo may edad ka na at ang pinagkakatagotago mong first kiss eh sa game pa nakuha.

naisip ko lang.

Thursday, February 19, 2009

Lotto at Boto

On my way to manila from makati, I passed by around 4 lotto outlets. I knew there was an outlet because everyone of them had around 30 people or more queueing to get a ticket. Todays jackpot was P200M. Everyone was holding a ticket, glancing at it again and again, checking it once, checking it twice, praying on the ticket, puting all hopes in the piece of paper in the palm of there hands.

Sana lang.. kung gaano kaseryoso tayo tumaya sa lotto, ganon rin tayo bumoto. Yun talagang iniisip , sineseryoso at pinagdadasal ang nilalagay sa balota. Talo pa natin ang nanalo sa lotto pag magaling na kandidato ang manalo.

Thursday, February 12, 2009

Eto nakakabadtrip na nangyari today

Gabi na and I had my usual dinner to the near by canteen sa next building. Since I work at the fort, some of the buildings are quite far from each other. Habang kumakain parang namukhaan ko yung isang pumasok, forgot his name kasi di ko naman sya kaclose pero namumukhaan ko sya. Taga UST rin sya na kabatch namin... eto ang nakakabadtrip.. feeling ko mas mataba na ko sa kanya (not by much of course) eh dati naman malayo katawan namin 13 yrs ago. Yon ang nakakabadtrip.. makakakita ka ng old classmate tapos sya di man lang nagevolve ang katawan .

- eto me kababuyan.. badtrip #2.. after dinner, nagkape ako.. instant ang epek ng kape.. Red alert agad, kailangan mag CR, eh halos kalahating kilometro pa ata ang kinainan kong resto sa building namin..nilakad ko pa..ang badtrip..ang hangin at lamig pag gabi..so taas balahibo na ko eh para pakong tinatapat sa aircon.. DUSA! Buti umabot ako. Pinagdasal ko talaga na wag mastuck sa elevator.

Wednesday, February 11, 2009

Fun Fact : Tuwing kailan may bulsa dapat ang polo

Just learned this 2 weeks ago, halatang di ako in sa fashion norms. Ayon sa bisita namin na around 50ish something british guy and american guy, pag mga cocktails or panggabi na event ang polo mo dapat eh walang bulsa, pag for work dapat meron.

Tuesday, February 10, 2009

observation lang - why pinoys are good abroad

One of our client from the US visited one of our teams (Im in I.T. by the way) trying to see what services we offer and how he can sell it in the US. We had one of the senior engineer assist me in answering the queries, actually that person is to answer all the persons and I was just to help facilitate it like a GRO, tagaabot ng kape. Anyway I think the Senior engineer did a splendid job but what suprised me was that a few weeks ago, this same guy did a mock presentation of the same stuff and he didnt do so well. Baka nagpractice ? baka less pressure since he was in his work place as opposed to the mock interview where he presented in a conference room? IT got me thinking... how about this theory.. di kaya connected ang pagiging foreigner ng pinepresentan nya ? We always are very friendly and hospitable to guests pero more so to foreigners for some reason. Baka sa ayaw natin mapahiya sa other races, we go the extra mile. So mga tao sa abroad mas productive, mas masipag and mas mababait. Or instead of "ayaw mapahiya" it also helps that foreigners specially those in 1st world countries are intolerable to some of our 3rd world attitude so we are forced to comply and dahil di tayo lulusot , ambabaet at ang sisipag ng mga pinoy sa abroad. Sa abroad kasi wala rin yung ibang usual suspects stuff that help more or less cultivate some of our negative culture, walang tricycle, walang katulong, wala rin ang parents mo na kahit 40 ka na eh nakikitira ka pa rin at hihingan mo ng pera, walang masisising government na "eh bakit ako susunod eh sila nga hindi" , wala or mas konti yung mga taong pwede mo na lang daan sa pakiusap,..oops nagiging rantings tong blog na to..parang tumalon ako ng topic. Siguro for us here in the country who mingle with foreigners we always want to show how good we are, tapos for those outside the country we dont have a choice so we cant show how bad we are. I'm not generalizing pero para umiksi lang ang blog eh ganito namuna.