Adventures and Stuff from David

Thursday, April 24, 2008

Island Happy! Buhay Pinoy

Special thanks to Leny for the research : http://www.happyplanetindex.org/reveals.htm

I was chatting with my friend Leny, we ended up talking about happy nations yung mga masayahing bansa. Na mention nya ang pinas eh isa sa pinakamasayahing bansa. Actualyl nagresearch ako sa net at me nakita akong site na #2 tayo sa asia , 2nd only to india . Kahit actually sa work, nung nasa US ako madalas pinupuna ng clients namin na madalas daw tawa ng tawa tayo at laging smiling tsaka kanta ng kanta. Lalo na sa pagkain na parang handaan palagi daw. Nung nasa japan ako bwiset na bwiset ako.. pagbawalan ba daw kumanta at magtatawa sa office sabi nung isang hapon?! The story goes, we were at yokohama and Panasonic our mother companies client was in an economic downturn, the logic behind it was that to show sympathy for the current situation we must not show signs of happiness .. OK lang ba sya?! eh mga pinoy tiniteargas na tawa pa rin ng tawa eh. Ang nangyari nga as japan, one time nagpatawa yung isa naming kasama syempre nga kahit bawal eh bugoy eh ..makukulit so yung isa kong kasama tawang tawa nag CR para lang tumawa.

Anyway so ayun , pinagusapan namin and sabi ko siguro kaya masayahin ang pinoy dahil sa Islander mentality. Mas masayahin ang tao sa islands, lalo na yung mga tao sa visayas. Check the website on the start of this blog, it says the islanders are generally much happier.. kasi nga near to nature pag labas mo ang ganda ng nakikita mo. I mean compare mo sa mga arabs na andaming warfreaks! nung nasa France ako ang mga taong magugulo don eh hindi blacks kundi arabs. Sorry sa ignorance since eto ang nakikita ko sa news at tv pero di ko naman nilalahat, pero my point is mas maraming masayahin dito kaysa sa mga nasa middle east .

At baket kamo? Imagine nyo naman 2 lalake , isa asa palawan, isa nasa middle east near the sahara desert. Gumising sila.. naisip "haay ano kaya magawa makatalon nga sa laabas" .. lalaki sa palawan nakita dagat ..diretso talon sa dagat ang saya refresshing tapos makita kita nya ang crush nya nagswimming din, hala basaan basaan frolic frolic! Ang saya! Eto naman yung lalaki asa desyerto.. paggising .. talon sya .. buhangin! nakita nya crush nya kaso di sya sure kasi nakatakip mukha mata lang kita eh... hala buhanginan buhanginan! Ang mata ko!!! pweh buhangin!! lungkot.

Sorry sa nasa middle east , inexaggerate ko lang ang comparison ko. Anyway naisip ko ang swerte nating noypi at makukulit tayo plus blessed tayo sa country natin dahil maganda ang nature , position palang nasa may equator isa tayo sa huling magugunaw dahil sa global warming joke knock on wood. Wala lang random thoughts lang.

Wednesday, April 16, 2008

The True Pinoy Idol

I attended a mini speed dating thing a few months ago , the organizers added for some reason questions which you pull out from a bowl and ask your searcher. The event was kinda lame , but there was 1 question that stumped me, it read "Who is your Idol?"

Idol? I suddenly realized I didnt have one. Do I have an Idol who I think I should look up to and be my epitome of excellence? Michael Jordan? Naaah , too sporty.. locally I dont know anyone. I grew up with minimum amount of mentoring , pero I would consider a true blue Idol if you can look up to him in all aspect..tipong your ultimate idol.

So I thought about it, I would say that an ultimate idol must be the total package, Hi Moral standards, great personality, mr suave , smart , caring.. so who? When I was younger I had an Idol and I guess he is still my idol til today. Si Rizal.. medyo cliche pakinggan pero sya lang talaga ang maisip ko. I probably dont know much great men thats why..pero Ka Idol idol naman si Rizal.

Si Rizal, Smart at talented , magaling sa scholastics magaling sa arts. Boy Genius ika nga.
Si Rizal , Companssionate and Good morals , san ka ba naman , namatay para sa tin, fought for the country, setup ng clinic sa dapitan.
Si Rizal, Mr Suave.. si Rizal ang totoong Cute and Witty , me girlfriend na hotty sa bawat bansa.. pucha iba ibang race dinaan nya sa charm! di pa sya katangkaran!
si Rizal , visionary, future na ang iniisip nya .
Si Rizal, Machismo, aside from malakas sa chicks magaling pa sa mga self defense na tinuro sa kanya ni tiyo manuel.

So para sakin si Rizal ang Ultimate Idol ko. Pero again who are the really Pinoy Idol? Meron great men pero idols eh yung mga total package.

Tuesday, April 08, 2008

Paginabutan ka nga naman!

Medyo toilet story tong blog na to.

Naalala ko dati , this onetime in bandcamp, eh nagdradrive ko from a meeting going to a date, ng biglang nagpaparamdam ang tyan ko. Since hindi pa naman code red eh ok ok pa ako, Sabi ko I have 2 hrs to go from qc to Makati so I can passby my apartment at Fort Bonifacio para makascore muna. OK , lintek na trapik yan saturday na saturday traffice pareho ang edsa at C5. Shit talaga badtrip literally. So ok pa naman ako, relax stay calm.. Naubos pa lead time ko , 10min before the meeting time nakarating ako sa wakas sa makati, hindi ko na tinuloy ang sidetrip sa apartment plan ko. Asa Ayala area ako, nagtext ang ka date ko kung asan daw ako baka pwede ko sya daanan..inisip ko wag na kakahiya di ako makakasimple sa CR so kahit malapit lang ako sabi ko ..nako ang layo ko pa, meet you at Glorietta na. Sadyang pinili ko sa Glorietta na talaga kasi me Customer Lounge don.. Kung sino man ang nagpauso ng Customer lounge eh dapat kamayan. Yan ang isang panalong regalo ni Ayala sa Filipino People. Sa totoo lang wala kang makikitang lalake na sasadyang mag cucustomer lounge kundi eebs. Eh di ganon na nga.. pagdating ko ng ayala naisipan ko sa Park square 1 ako papark para malapit sa lounge , maleh pala g4 ang pinakamalapitna parking don, so palpak pero wala na lagpas na ko ng G4 so sabi ko malapit lang naman diretso landmark tapos .. ayon palpak number 2 sarado nga pala ng daan don dahil sa glorietta explosion, from landmark lalabas ka ulit ng makati avenue then pasay road bago makabalik sa parksquare. Eh di sige ok lang .. relaxxxxx. Kaya pa , medyo tumataas balahibo pa lang. After 2 Stoplights, finally reached parksquare. Umakyat na agad ako sa 5th level para di na masayang oras maghanap ng parking. Success, ambilis ko nakapark, so sakay ako elevator kaso badtrip di ko tinitingnan UP pala nasakyan ko! so roundtrip, ambagal pa naman ng elevator sa parksquare 1 dahil 70s pa ata yon. DOULE BADTRIP dahil nga mali nasakyan ko syempre hihinto nanaman sya kung san ko pinindot ang down! more delays!! At this point medyo me konting panlalamig na akong nararamdaman. Takbo , diretso sa glorietta, anlayo pala ng customer lounge! Nafake pa ko 2 times kasi magkakamukha ang entrance ng regular CR at customer lounge. Sa wakas ayan na customer lounge na... ewan ko ba sa nature kung bakit ganon ang design nya pero kung kailan ebs na ebs ka na, kumbakit habang papalapit ka na papalapit sa CR saka sya lalong sumasakit sa tyan..para bang me buhay syang sarili at habang na sesense nya na malapit na sa CR lalo sya na eexcited. Ayan na babayad na lang sa Customer Lounge at ok na..home stretch na.. kaso pagbigay ko ng P50 ko sa cashier eh nagdalawang isip pa sya sa pansusukli naglabas muna ng barya sabay pinalitan ulit ng dalawang bente.. MORE DELAYS!!! Sa wakas , made it, aircon, kumpleto ang sabon at tissue.. SUCCESS!

Moral of the story, always be prepared, know your surroundings, alam mo lahat ng malinis na CR dapat kagaya sa market market me secret CR don. Minsan blablog ko saan ang mga secret CR sa metro manila. Dapat lagi kang me emergency kit sa kotse, special thanks sa lawson talaga at dinala nila sa pilipinas ang sanitary wipes, disposable toilet seat, wet wipes at alcohol. Watsons , its the place to be.