Adventures and Stuff from David

Thursday, December 13, 2007

para sa bayan! Gas Attack

Ewan ko ba! pangatlo ata or pang apat na beses na ako nagpost tungkol sa topic na to. Last week , pumunta ako abroad for work for a few days, ugali ko bago umalis eh nagpupuyat ako ng husto para makatulong sa jetlag. Pagalis ko towards the first leg to japan sigurado tulog ako dahi mega gimik ako the day before. Etong trip na to ganon nanaman ginawa ko, kain, inom konti , tulog ng ilang oras then gising ng super aga. Ang breakfast ko sa airport eh yung Bo's Cafe Hot Choco at sandwich, bacon and egg ata.

Edi ayon nga, full flight, kamalasan asa likuran namin CR pero at least Isle seat ako. Ewan ko ba pero never pa ako nakatabi ng cutee sa plane..laging matanda or lalake or mommy. This time isang magsawang hapon, katabi ko yung lalaki , na indi nagenglish. sorry ang habang ng kwento pero eto na ang gist...

Eh di ayon, epekto ng puyat, breakfast na hot choco, bacon and EGG, baso basong orange juice sa plane kinabag ako. Tapos medyo inantok na tong mga katabi ko so kinuha nya ang baon nyang inflatable unan at sinumulan nyang hinihipan. Meron pa atang safety thing yung unan , yung para di agad sumingaw so todo bwelo pa sya habang umiihip. INHALE .. IHIP! Ang kamalasan nya habang umiihip sya eh nasasabayan ko ng utot . Eh wala ako magawa..ang hirap naman tatayo pa ako eh hello full flight yon san ka sulog tatabi na wala tao.. so sa silya ako nagpapasimple.. side view side view. Ayon medyon na higop ata nung katabi ko lahat ng na blast ko. Kawawang Jap guy, naging air filter. Syempre ako pasimple pasulyap sulyap ako sa Cr sa likod kunwari badtrip ako at sumisingaw ang CR. Napuno rin ang unan nya at nakatulog sya ng mahimbing malamang dahil din sa tulong ko. Naisip ko na lang..para rin to sa mga HUK at comfort women nung gyera sa pinas, makaganti lang kahit konti sa mga hapon na yan!!! Gas Warfare!! Cue music... "Ang Bayang kong Pilipinas....."

Labels: , , , , , , ,

Monday, June 25, 2007

Noontime shows

Malamang kayo rin!: Ang isang favorite pasttime ng family nyo pag linggo ay manood ng noontime show sabay laitin at i-criticize ang mga performers. Its a national past time. Ewan ko ba kasi naman yang mga noontime shows ang hilig gawing mag:
1. Palabas ng mga banda sabay sasabayan ng host na off na off . Mabuti na lang talaga na merong mga bandang kagaya ng Kamikazee na ilan beses na nila pinasabayan ng host pero palaging natutulala lang ang host sa hirap ng kanta at sa tinde ng kakulitan.

2. Maglipsing ng kanta..lipsing na nga talo pa rin.

3. Pilitin magsuot ng Jacket ang mga hosts kahit ang init init.

4. Pilitin pagsuotin ng Haute Couture type outfits.

5. Pilit pakantahin paulit ulit ang mga 60's at 70's songs na malamang ay personal favorite lang kasi ng director pero sa totoo ay bored na bored kami family pag nanonood ..para bang walang mga bagong kanta .

6. pakantahin ng lipsing na may broadway type theme.. pinauso non ni kuya germs ..pero 20yrs ago pa naman yon!

7. Pilit paperformin ang older generation sa newer generation ... eto madalas to sa ASAP , yung kakanta sila kuh at zsa zsa with matching outfits with the new singers and performers.. eh hello naman ibang level na ngayon dapat ang singers at performers.. ngayon tumatumbling tumbling ang mga artista pag sumasayaw.. pagbumirit ..birit with matching lively showmanship.. most of the stars before doesnt do that stuff.. dati kasi kakaunti lang ang stars..ngayon sobrang dami kaya ibang level.. makikita mo mega showmanship mga new singers tapos dyadyan pasok ang older singers.. biglang drop ng energy level..tapos ang outfit naman pa ni zsa zsa at kuh.. umiinit palagi ang ulo ngmga tita ko pag nakikita. Sana hiwalay na segmetns naman.

sasbagay.. infairness marami na ring improvements ang noontime shows.. gaya ng mga magaling sumayaw lang talga ang pinasasayaw as much as possible .. wala ng mga bellstar numbers na panay buhat lang ang ginagawa. Marami ng live numbers. At syempre nagpagsasama family sa lunch table para manlait man or magenjoy.

Labels: , , , , , , ,